Xinhua: Ayon sa ulat kahapon ng Thai media, ipinasiya ng Departamento ng Espesyal na Imbestigasyon (DSI) ng Thailand na i-freeze ang mga bank account ng 18 pinuno ng demonstrasyong kontra-goberno.
Inutusan din ng DSI ang 17 pinuno na humarap sa kanila, sa ika-26 at ika-27 ng buwang ito, dahil sa akusasyon ng panunulsol laban sa pamahalaan. Kabilang sa nasabing 17 pinuno ay si Suthep Thaugsuban, Pangkalahatang Kalihim ng People's Democratic Reform Committee (PDRC).
I-pi-freeze din ng DSI ang mga bank account ng PDRC.
Kasabay nito, ipinalabas kahapon ng Komiteng Elektoral ng Thailand ang pahayag na humihimok sa caretaker government at mga lider ng demostrasyon na magsanggunian hinggil sa petsa ng halalan. Ayon sa pahayag, naghahanda na ngayon ang Komiteng Elektoral para sa halalan na nakatakdang idaos sa ika-2 ng Pebrero, 2014. Sa kabila nito, ang kasalukuyang situwasyon ng bansa ay posibleng magdulot ng kaguluhan sa idaraos na halalan.
Salin: Jade