Ipinalabas kahapon ang pahayag ng 5 myembro ng Lupong Elektoral ng Thailand na humihimok sa caretaker na pamahalaan at mga lider ng oposisyon ng Thailand na magkakaroon ng talastasan para maitakda ang petsa ng halalan.
Ayon sa pahayag, hindi normal ang kasalukuyang kalagayan ng bansa, kaya, mahirap ang idaos ang halalan sa itinakadang petsa na ika-2 ng Pebrero ng 2014. Nanawagan ang pahayag sa magkabilang panig ng Thailand na maglabas ng isang plano para lumikha ng mapayapa at maayos na kapaligiran para sa halalan ng susunod na Mababang Kapulungan ng Thailand.
salin:wle