Ayon sa ulat kahapon ng Asahi Shimbun, diyaryo ng Hapon, kaugnay ng pagbigay-galang kamakailan ni Punong Ministro Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na class-A criminal ng World War II (WWII), sinabi ni Kazuhiko Togo, dating opisyal ng Ministring Panlabas ng Hapon, na ang naturang aksyon ni Abe ay lalong nagpatindi sa ng walang tiwala ng mga kapitbansang Asyano sa kanya.
Ipinalagay ni Togo na ang pagbisita ni Abe sa Yasukuni ay pumukaw ng magkakasamang pagbatikos ng Tsina, Timog Korea, Estados Unidos at Rusya.
Ayon naman sa survey ng Kyodo News Agency kahapon at kamakalawa, halos 70% ng mga respondent ay nagpapalagay na kailangang isaalang-alang ni Abe ang relasyon ng Hapon sa mga kapitbansa nito kaugnay ng isyu ng pagbigay-galang niya sa Yasukuni.
Salin: Jade