Ipinahayag kahapon ni Winthai Suvaree, Pangalawang Tagapagsalita ng Hukbong Panlupa ng Thailand, na hindi naglalayong maglunsad ang panig militar ng kudeta, at ang mga may kinalamang ulat ay hindi totoo.
Ayon kay Winthai Suvaree, umaasa si Prayuth Chan-ocha, Commander-in-Chief ng Royal Thai Army, na maaaring isagawa ng mga mamamayang Thai ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa bagong taon, sa halip na mabahala sa banta ng kudeta.
Pumasok kahapon sa ika-3 araw ng pagpaparehistro sa halalan ng Mababang Kapulungan ng Thailand. Ang gawaing ito ay nahinto sa 8 lalawigan dahil sa pagpigil ng mga oposisyon. Subalit normal ang gawain sa iba pang lugar.
Salin: Andrea