Kaugnay ng pagbigay-galang kamakailan ni Punong Ministro Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na class-A criminals noong World War II (WWII), ipinahayag ni Luong Thanh Nghi, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Biyetnam ang pag-asang tumpak na malutas ng Hapon ang isyung ito para sa kapayapaan, katatagan at kooperasyon ng rehiyon.
Ipinahayag ng tagapagsalita ng Biyetnam ang nasabing paninindigan nang ipahayag nila ang nakasulat na tugon sa kaukulang tanong ng Kyodo News Agency.
Ito ang kauna-unahang opisyal na pahayag ng Biyetnam hinggil sa pagbisita ni Abe sa Yasukuni.
Salin: Jade