Sinipi kahapon ng Xinhua News Agency ng Tsina ang ulat ng Philippine media sa pagsasabing lalampas sa 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa taong ito.
Ayon sa datos ng National Statistics Office (NSO), hanggang katapusan ng 2013, umabot na sa mahigit 97 milyon ang populasyon ng Pilipinas. Tinataya ng NSO na lalampas na ang populasyon ng bansa sa 100 milyon sa ika-3 o ika-4 na kuwarter ng taong ito.
Kaugnay nito, sinabi ni Tomas Osias, Executive Director ng Komisyon sa Populasyon (PopCom), na 2% ang bahagdan ng paglaki ng populasyon ng Pilipinas, kaya, dapat umabot sa mahigit 4% ang paglaki ng GDP ng bansa para matugunan ang pangangailangan sa empleyo.
Salin: Jade