Dadalaw si Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon sa tatlong bansang Aprikano, na kinabibilangan ng Cote d'Ivoire, Mozambique at Ethiopia, sa unang dako ng kasalukuyang buwan.
Nauna rito, ipinatalastas ni Abe sa "Ikalimang Pulong sa Paggagalugad ng Aprika" na idinaos sa Yokohama Hapon, noong nagdaang taon ang pagbibigay ng 32 bilyong dolyares na tulong sa mga bansang Aprikano sa susunod na 5 taon. Ito ay mas malaki kaysa sa 9.2 bilyong dolyares ibinigay ng Hapon mula noong 2008 hanggang 2012.
Kaugnay nito, ipinahayag ng isang opisyal ng Zambia, kasaping kinatawan ng naturang pulong na tulad ng India at Amerika, ang pagbibigay-tulong ng Hapon sa mga bansang Aprikano ay naglalayon lamang palakasin ang impluwensita ng Hapon sa mga bansang Aprikano, laban sa Tsina.