Kaugnay ng sinabi kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na ang pagbibigay-galang niya sa Yasukuni Shrine ay kanyang karapat-dapat na responsibilidad, sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng naturang pananalita ni Abe na wala siyang kahandaang pabutihin ang relasyon sa mga karatig bansa na kinabibilangan ng Tsina.
Dagdag ni Hua, na ang pag-amin, pagsisisi, at pagwasto ng kamalian ay dapat gawin ni Abe.
Salin: Liu Kai