Nagbigay-galang si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na class-A criminals noong World War II (WWII) noong ika-26 ng Disyembre, 2013. Binatikos kamakailan ng ilang diyaryo ng Malaysia ang nasabing aksyon ni Abe.
Tinukoy ng artikulo ng pahayagang Guang Ming Daily na kahit alam na alam ni Abe na ang kanyang pagbisita sa Yasukuni ay ikagagalit ng mga kapitbansang Asyano, nagpatuloy pa siya. Ipinakikita nitong hindi siya nanghinayang isakrapisyo ang hinaharap ng bansa.
Ayon naman sa artikulo ng Oriental Daily News, pinasusulong ni Abe ang pag-eedit ng teksbuk ng Hapon sa tangkang baguhin ang kasaysayang mapanalakay ng militarismong Hapones. Kinukuwestiyon ng nasabing teksbuk ang bilang ng mga sibilyan at disarmadong sundalong Tsino na pinaslang ng tropang mapanalakay ng Hapon sa Nanjing, Tsina, noong 1937.
Sinabi naman ng Sin Chew Daily na sapul nang manungkulan si Abe, pinasusulong niya ang mga makakanang patakaran na gaya ng pagbigay-galang sa Yasukuni at pagpilit sa mga paaralan na gumamit ng mga teksbuk na makakanan.
Salin: Jade