
Ipinatalastas kahapon ng panig pulisya ng Thailand na idedeploy nito ang halos 15 libong military guard sa Bangkok, para hindi humantong sa marahas na sagupaan ang aksyong "Pagblokeyo sa Bangkok."
Nakipag-usap kahapon si Pangalawang Ministrong Panlabas Sihasak Phuangketkeow ng Thailand sa mahigit 60 diplomata mula sa 50 bansa, para mapawi ang kanilang pagkabalisa sa kasalukuyang situwasyong pulitikal ng Thailand, at sa naturang aksyon. Ipinahayag niya na kung magaganap ang anumang karahasan, isasapubliko ng Caretaker Government ang state of emergency decree.
Salin: Li Feng