Nanawagan kahapon ang Thai Broadcast Journalists Association (TBJA) at Thai Journalists Association (TJA) sa panig pulisya at organisasyong kontra-gobyerno na igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa gaganaping "Pagblokeyo sa Bangkok" sa susunod na Lunes. Hiniling din ng dalawang asosasyong ito na dapat magkaroon ng malayang akses ang mga media sa impormasyon tungkol sa mga mangyayari.
Nang araw ring iyon, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang embahadang dayuhan at diplomata sa Thailand sa kasalukuyang situwasyong pulitikal ng bansa, at sa nakatakdang "Pagblokeyo sa Bangkok." Upang maigarantiya ang kaligtasan ng mga estudyante, iniutos na ng Kawanihan ng Pangangasiwa sa Lunsod ng Bangkok sa 146 na paaralan, sa 26 na distrito, na pansamantalang suspendihin ang klase sa susunod na Lunes.
Salin: Li Feng