Ipinahayag kahapon ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, na hindi siya magbibitiw sa tungkulin bilang tugon sa kahilingan ng mga demonstrador ng oposisyon. Aniya, patuloy na ipapatupad niya ang tungkulin at makikipagsanggunian sa iba't ibang panig hinggil sa kung ipagpapaliban o hindi ang halalan na nakatakdang idaos sa ika-2 ng Pebrero.
Bilang tugon sa pagblokeyo ng lunsod ng mga demonstrador, ipinahayag ni Yingluck Shinawatra, na ang demonstrasyon ay magdudulot lamang ng pinsala sa bansa at sa mga mamamayan. Nananawagan siya sa mga oposisyon na isagawa ang diyalogo sa pamahalaan para magkakasamang talakayin ang hinggil sa reporma.
Salin: Andrea