Idineklara kahapon ng oposisyon ng Thailand na walang saysay ang pagpapaliban sa petsa ng halalan ng Mababang Kapulungan sa ika-4 ng Mayo mula ikalawa ng Pebrero. Anila, ang tanging target ng "People's Democratic Reform Committee" ay ang pagbibitiw sa puwesto ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra at ng kanyang care-taker cabinet, para mapasulong ang iba't ibang reporma ng bansa.
Ipinahayag kamakalawa ng Lupong Elektoral ng Thailand na dahil marami ang tutol sa pagdaraos ng halalan sa ikalawa ng Pebrero, iminungkahi nitong isaalang-alang ng care-taker cabinet na ipagpaliban ang halalan sa ika-4 ng Mayo.
Salin: Andrea