Sinabi kahapon ni Suranand Vejjajiva, Pangkalahatang Kalihim ng Punong Ministro ng Caretaker Cabinet ng Thailand, na ipinadala na ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Cabinet si Pongtep Thepkanchana, Pangalawang Punong Ministro, para makipag-usap sa mga opisyal ng Lupong Elektoral hinggil sa posibilidad ng pagpapaliban ng petsa ng halalan ng Mababang Kapulungan.
Ani Suranand Vejjajiva, hihingi si Pongtep Thepkanchana ng payo hinggil sa petsa ng halalan sa Lupong Elektoral at aanyayahan ang mga may-kinalamang panig na magtalakayan bukas hinggil sa isyung ito. Dagdag pa niya, lalahok sa talakayang ito ang mga kinatawan ng Lupong Elektoral, mga may-kinalamang Partido, Caretaker Cabinet, mga tagasunod at oposisyon sa halalan.
Salin: Andrea