Napag-alaman kahapon ng mga mamamahayag mula sa pambansang komperensiya ng mga namamahalang tauhan sa larangan ng karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip(IPR) na hanggang noong katapusan ng taong 2013, apat sa sampung libong produktong Tsino ang napagkalooban ng patent right. Ipinahayag ni Shen Changyu, Puno ng Awtoridad ng IPR na kasalukuyang napapabuti ang kapaligiran ng IPR sa lipunan at napapalakas din ang kamalayan sa IPR ng mga mamamayan. Patuloy na magsisikap ang kanyang organo para ibayo pang mapangalagaan ang kalidad ng IPR sa hinaharap, dagdag pa niya.