Sa kanyang talumpti sa Kongreso ng Partido Komunista ng Hapon, na idinaos mula ika-15 hanggang ika-18 ng buwang ito sa Atami, Shizuoka, sinabi ni Shii Kazuo, Puno ng naturang partido na ang pagbibigay-galang ni Punong Ministro Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine ay tumatanggap hindi lamang ng pagpuna mula sa mga bansa ng Asya na kinabibilangan ng Tsina at Timog Korea, kundi maging ng kondemnasyon ng buong daigdig.
Sinabi ni Shii Kazuo na tinututulan ng kanyang partido ang pagtataglay ng pamahalaan ni Abe ng karapatan sa collective self-defense ng hukbong Hapones.