Ipinahayag kagabi ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang pagtanggap sa paglahok ng National Coalition for Syrian Revolutionary and Opposition Forces (NCSROF), pangunahing oposisyon ng Syria, sa Ika-2 Pandaigdigang Pulong Hinggil sa Isyu ng Syria na idaraos sa Geneva.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ban na ang kapasiyahan ng NCSROF ay mahalagang progreso tungo sa paglutas ng isyu ng Syria sa pamamagitan ng talastasan.
Ang naturang pandaigdigang talastasan ay idaraos sa Geneva sa ika-22 ng buwang ito.
Salin: Ernest