Ipinahayag kahapon ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang makakapagtalastasan ang iba't ibang panig ng Thailand para mapanumbalik kaagad ang kaayusan at katatagan ng bansa.
Ipinatalastas kamakalawa ng caretaker cabinet ng Thailand na simula kahapon, ipinatupad nito ang 60 araw na Pangkagipitang Batas sa Bangkok at mga nakapaligid na lugar, bilang tugon sa protesta kontra gobyerno.
Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalitang Tsino na bilang kapitbansa, buong higpit na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan ng Thailand. Nanawagan din si Qin sa iba't ibang panig ng Thailand na magtalastasan at panumbalikin ang pambansang kaayusan, sa lalong madaling panahon.
Salin: Jade