Ipinahayag kahapon sa Tokyo si Murayama Tomiichi, dating punong ministro ng Hapon na mali si Punong Ministro Shinzo Abe sa pagbisita sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na Class-A Criminals noong World War II (WWII). Hiniling niya kay Abe na pagsisihan ito.
Ayon kay Murayama, noong 2012, ipinahayag ni Abe ang kanyang matinding pagsisisi sa hindi pagbisita sa Yasukuni sa kanyang unang termino bilang punong ministro. Masasabing sinakripisyo ni Abe ang interes ng Hapon para alisin ang kanyang pagsisisi. Hinding hindi ito matatangap.
Ipinahayag din ni Abe na walang ispesipikong kahulugan ng "pananalakay". Kaugnay nito, sinabi ng dating punong ministrong Hapones na ang tangka ni Abe ay pagbubura sa pananalakay ng militarismo ng Hapon sa mga kapitbansang Asyano, sa pamamgitan ng pagsususog ng Konstitusyon, muling pagsulat ng teksbuk, pagsasagawa ng collective self-defense at pag-u-upgrade ng self-defense force sa hukbong pandepensa.
Salin: Jade