Kamakailan, ipinasiya ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science at Technology ng Hapon na isama sa patnubay para sa pagsusulat ng textbook ng middle at high school, na ang Diaoyu Islands ay teritoryo ng Hapon. Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na labis na ikinakabalisa ng panig Tsino ang isyung ito at nagharap na ang bansa ng solemnang representasyon sa Hapon.
Sa isang regular na preskon, binigyan-diin ni Hua na ang Diaoyu Islands ay teritoryong Tsino mula pa noong sinaunang panahon, kahit paulit-ulit na baguhin ng Hapon ang pananalita at kagawian, hindi nito mababago ang katotohanang ito.