Sa kanyang policy speech sa Kongreso, binatikos ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang unilateral na pagtatakda ng Tsina ng Air Defense Identification Zone (ADIZ), at paulit-ulit na pagsalakay nito sa "teritoryong pandagat ng Hapon" sa paligid ng Diaoyu Islands. Ipinahayag pa niya na palagiang binubukasan ng Hapon ang pinto ng diyalogo sa panig Tsino, at nagsisikap na mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na lehitimo at legal ang pagtatakda ng Tsina ng ADIZ, at walang karapatan ang panig Hapones na magsalita ng kung anu-ano hinggil dito. Ikalawa, sa isyu ng Diaoyu Islands, paulit-ulit na lumalapastangan ang panig Hapones sa soberanya ng teritoryo ng Tsina. Patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang kinakailangang hakbangin para buong tatag na mapangalagaan ang soberanya ng teritoryo nito sa naturang isla. Ikatlo, hindi pinagsisisihan ng lider ng Hapon ang mapanalakay na kasaysayan, at sinarhan na pinto ng diyalogo sa panig Tsino sa aktuwal na aksyon. Hinihimok aniya ng panig Tsino ang lider ng Hapon na magsagawa ng tumpak na atityud, itigil ang probokasyon, at aminin ang kamalian nito.
Salin: Li Feng