Nang kapanayamin kahapon ng local media ng Munich, sinabi ni Shi Mingde, Embahador ng Tsina sa Alemanya, na dapat tumpak na pakitunguhan ng Hapon ang kasaysayan. Kung hindi matututuhan ng Hapon ang aral ng kasaysayan, magiging napakapanganib nito.
Noong ika-26 ng nagdaang buwan, nagbigay-galang si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na Class-A criminals noong World War II. Ito ay nagdulot ng matinding kawalang-kasiyahan sa mga iba pang bansang Asyano na gaya ng Tsina at Timog Korea.
Salin: Li Feng