Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Komersyo, noong 2013, lumampas sa 7.3 bilyong dolyares ang pamumuhunan ng Singapore sa Tsina. Ito ay mas mataas ng 12% kumpara sa taong 2012. Dahil dito, ang Singapore ay naging pinakamalaking mamumuhunang dayuhan sa Tsina.
Napag-alamang ang industriya ng paggawa at real estate ng Tsina ang tradisyonal na larangang pinamumuhunanan ng Singapore. Sa hinaharap, may posibilidad na magtampok ang pamumuhunan ng Singapore sa mga larangan ng pinansya, seguro, accounting, abugasiya at hay-tek ng Tsina.
Salin: Jade