Ayon sa ulat ng National TV Station ng Syria, inatake kahapon ng umaga sa lunsod ng Homs ang mga staff ng Syrian Arab Red Crescent (SARC) na kalahok sa mga makataong aktibidad sa lokalidad, at 4 na katao ang nasugatan.
Ayon pa rin sa naturang himpilan ng telebisyon, ang nasabing insidente ay may kinalaman sa pagkanyon ng oposisyon sa punong himpilan ng mga pulis sa Homs. Pero ipinahayag ng oposisyon na ang pamahalaan ang nagsagawa ng di-umano'y pagkanyon.
Dahil sa epekto ng nasabing insidente, pansamantalang itinigil ng UN at SARC ang makataong tulong sa Homs, subalit napanumbalik na ito kagabi.