Sa kasalukuyan, nararanasan ng sistema ng transportasyong panlupa ng Tsina ang huling hati ng 40-araw na Chunyun, na nangangahulugang "Pagbiyahe ng mga Tsino sa Spring Festival o Chinese New Year."
Ngayong araw ay ang ika-25 araw ng Chunyun, at hanggang sa araw na ito, mahigit 2 bilyong person-time na ang naitalang nakauwi sa lupang-tinubuan para sa pagtitipun-tipon ng pamilya at nakabalik sa trabaho sa pamamagitan ng mga sasakyang panlupa. Ito ay mas mataas ng 6.5% kumpara sa gayun ding panahon ng 2013.
Pero, apektado ng pagniniyebe sa gitna at silangang bahagi ng Tsina ang kasalukuyang travel rush ng Chunyun. Sarado ang ilang pangunahing express way bunsod ng pag-ulan ng niyebe.
Ang Chinese New Year ay ang pinakamahalagang kapistahan ng mga mamamayang Tsino. Sa isang linggong bakasyon sa pestibal na nagsimula noong ika-31 ng Enero ng taong ito, ang mga Tsino ay umuuwi sa lupang-tinubuan para sa pagtitipun-tipon ng pamilya.
Salin: Jade