Sa isang artikulong pinamagatang "Ang pagbaluktok sa kasaysayan, ang pagpapawalang-bahala sa katarungang pandaigdig" na inilathala kahapon ng People's Daily ng Tsina, tinukoy nitong ang maling aktibidad na kasalukuyang isinasagawa ng mga puwersang makakanan ng Hapon ay, nagtatangkang baluktukin ang kanilang mapanalakay na kasaysayan at binabale-wala ang katarungang pandaigdig.
Anito, kung paanong harapin ang kasaysayan ng pananalakay, ang sakit sa damdamin ng mga mamamayang Asyano sa digmaang inilunsad ng militarismong Hapones, ang bagong kaayusang pandaigdig na naitatag pagkaraan ng World War II, at ang pagbibigay-galang sa soberanya at teritoryo ng ibang bansa ay nagsisilbi, hindi lamang mga isyung dapat pagsisihan ng Hapon, kundi maging susi rin para sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones.