Nanawagan kahapon ni Valerie Amos, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na namamahala sa mga suliraning makatao, sa pamahalaan at oposisyon ng Syria na sundin ang kasunduan ng tigil-putukan para maigarantiya ang kaligtasan ng makataong aktibidad sa bansang ito.
Kinondena rin niya ang paglalabag sa kasunduan ng tigil-putukan na naganap nauna rito sa Homs, Syria. Ang nabanggit na aksyon ay nagresulta sa pagkasugat ng 4 na tauhan ng Syrian Arab Red Crescent (SARC).
Ipinahayag din ni Amos na buong sikap na ipagpapatuloy ng UN ang pagkakaloob ng makataong tulong sa Syria.