Natapos kahapon ng Hilaga at Timog Korea ang kanilang talastasan sa mataas na antas, sa Panmunjeom sa hanggahan ng dalawang bansa. Pero, walang natamong pangunahing progreso ang unang ganitong talastasan nitong pitong taong nakalipas.
Sa talastasan, hiniling ng Hilagang Korea sa Timog Korea na ipagpaliban ang mga taunang pagsasanay-militar ng Timog Korea at Amerika na magsisimula sa ika-24 ng buwang ito. Iminungkahi ng Hilagang Korea na idaos ang nasabing mga ensayo pagkaraan ang pagtitipun-tipon ng mga magkakamag-anak ng dalawang bansa na nawalay ng Korean War. Ang limang araw na pagtitipun-tipon ay nakatakdang idaos sa ika-20 ng buwang ito.
Salin: Jade