Idinaos kahapon ang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na pinanguluhan ni Premiyer Li Keqiang, tinalakay nila kung paanong ibayo pang palalakasin ang mga hakbang pagpigil ng polusyon sa hangin.
Sapul nang isapubliko ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "Plano ng Aksyon para sa Pagpigil ng Polusyon sa Hangin" noong Setyembre ng taong nakalipas, isinagawa ang mga hakbangin ng mga may kinalamang departamento ng iba't ibang lugar at natamo na ang ilang progreso.
Binigyan-diin ng pulong na dapat patuloy na pabutihin ang mga kasalukuyang patakaran at isagawa ang mga bagong hakbangin, kasama rito ang pabilisin ang pagsasaayos ng estrukturang pang-enerhiya, patingkarin ang papel ng patnubay ng presyo, buwis at subsidy, at dapat isabalikat ang responsibilidad ng iba't ibang panig.
salin:wle