UMABOT sa 8.4% ng Gross Domestic Product ng Pilipinas sa 2013 ang paglago ng ipinadadalang salapi sa Pilipinas ng mga manggagawang nasa ibang bansa.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco, Jr. umabot sa US$ 2.4 bilyon ang ipinadalang salapi ng mga OFW sa buwan ng Disyembre at tumaas ng may 12.5% kung ihahambing sa naipadalang salapi noong Disyembre 2012.
Ito ang ikasiyam na sunod na buwan na humigit sa US$ 2 bilyon ang naipadalang salapi sa Pilipinas. Sa pagkwenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa kabuuhang halaga na US$ 25.1 bilyon, mas mataas ng 7.6% sa natamo noong 2012. Nagmula ang pagtaas ng remittances sa mga manggagawang land-based na higit sa isang taon ang kontrata na mayroong 6.1% samantalang nakaambag din ang mga magdaragat at land-based workers na mas maiksi sa isang taon ang kontrata (7.8%).
Ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$2.1 bilyon noong Disyembre 2013 na kinakitaan ng 9.1% mula sa remittances noong Disymbre ng 2012. Sa kabuuhan, nahigitan ng remittances ang projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagkakaroon ng 6.4% increase na dahilan ng pagkakaroon ng US$ 22.8 bilyon.
Ayon sa Philippine Oversease Employment Administration, mayroong 1.8 milyong Pilipinong nasa ibang bansa upang maghanapbuhay. Umabot din sa 793,415 job orders ang nakamtan noong 2013 na katatagpuan ng 40.9% sa services, production, professional, technical at related workers. Ang mga hanapbuhay na ito ay para sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Taiwan, Hong Kong at Qatar.