Ayon sa desisyong ginawa kahapon ng hukumang pansibilyan ng Thailand, ipagpapatuloy nito ang kasalukuyang ipinapatupad na pangkagipitang batas sa Bangkok; pero, binigyang-diin din nitong hindi dapat gamitin ng pulisya ang dahas laban sa mga demonstrador.
Nang araw ring iyon, ang pansamantalang tanggapan ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ay nasa kamay pa rin ng ilang libong demonstrador na pinamumunuan ni Suthep Thuagsuban, puno ng oposisyon ng Thailand. Hinihiling nila kay Shinawatra na magbitiw sa kanyang tungkulin.
Ayon sa ulat, 5 katao ang namatay at 70 iba pa ang nasugatan sa marahas na sagupaang naganap kamakalawa sa Bangkok.