Tinalakay kahapon ng caretaker na pamahalaan at Lupong Elektoral ng Thailand ang petsa ng muling pagdaraos ng botohan sa 28 distritong elektoral sa katimugan ng bansa. Nauna rito, hindi sila lumahok sa nakatakdang pambansang halalan ng Mababang Kapulungan dahil apektado sila ng demonstrasyon ng oposisyon.
Sa kasalukuyan, magkaiba ang palagay sa pagitan ng caretaker na pamahalaan at lupong elektoral kung may karapatan o hindi ang lupong elektoral para tiyakin ang naturang petsa.
Ipinahayag ng pamahalaan na positibo ito sa naturang aktibidad.