|
||||||||
|
||
Si Cui Tiankai
Pinabulaanan kahapon ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Estados Unidos ang pagbatikos ng ilang opisyal na Amerikano sa pagtatatag ng Tsina ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea noong nakaraang taon. Nanawagan siya para sa "konstruktibong" atityud kaugnay ng mga sensitibong isyu sa relasyon ng dalawang bansa.
Winika ito ni Cui sa isang aktibidad sa Center for American Progress, isang think-tank sa Washington.
Ipinagdiinan niyang hindi masasabing konstruktibo kung sinabi ng isang opisyal Amerikano na wala siyang kinikilingan pero taliwas naman ang kanyang ginawa, nang tapusin niya ang isang talumpati sa pamamagitan ng mahabang akusasyong walang katibayan.
Idinagdag niyang napagkasunduan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pagtatatag ng bagong modelo ng ugnayan sa pagitan ng malalaking bansa, sa kanilang pagtatagpo sa Annenberg Retreat sa Amerika noong Hunyo ng nagdaang taon. Aniya pa, upang maisakatuparan ang nasabing target, kailangang magkasamang pasulungin ng dalawang bansa ang win-win cooperation, batay sa paggagalangan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |