Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Air Defense Identification Zone (ADIZ) ay hindi katumbas ng teritoryong panghimpapawid o "no-fly zone." Nitong ilang linggong nakalipas, sinabi ni Hua na normal ang mga aktibidad at kaayusan sa may kinalamang rehiyong panghimpapawid. Ang isyung umano'y "nagsusulot ng tensyong panrehiyon" ang ADIZ ay hindi totoo, ani Hua.
Ipinahayag pa niyang ang layunin ng pagtatakda ng ADIZ ay para sa seguridad. Aniya pa, ang ibang mga bansa ay mayroong ADIZ, sabalit noong ika-23 ng Nobyembre lamang itinakda ng Tsina ang sarili nitong ADIZ. "Kung puwedeng magtakda ng ADIZ ang ibang bansa, bakit hindi ang Tsina?" dagdag pa ni Hua.
salin:wle