Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Hapon ngayon ay naging isang trouble maker na nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko at dapat pag-ukulan ng pansin ng komunidad ng daigdig ang mga aksyon ng Hapon.
Kaugnay ng papuna kamakailan ni Fumio Kishida, Ministrong Panlabas ng Hapon, na ang mga normal na aksyon sa dagat at pag-unlad ng Tsina ay banta sa rehiyong ito, sinabi ni Hua na iginigiit ng Tsina ang patakaran ng mapayapang pag-unlad at maliwanag ang pambansang estratehiya nito na nangangalaga sa kabuuan ng pambansang teritoryo at soberanya, at kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi rin ni Hua na sinalakay minsan ng Hapon ang mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko noong World War II, at sa kasalukuyan, isinasagawa ng Hapon ang mga mali at negatibong aksyon na kinabibilangan ng pagtanggi at pagbago ng kasaysayan nito sa pananalakay sa ibang mga bansa at pagpapalakas ng kakayahang militar para pahigpitin ang maigting na kalagayan sa rehiyong ito. Ito aniya ay nagpapakita na ang Hapon ngayon ay naging isang trouble maker sa rehiyong ito.
Salin: Ernest