Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na maayos na lulutasin ng Hapon at Timog Korea ang kanilang hidwaan sa teritoryo sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Kaugnay ng papuna kamakailan ng Timog Korea sa Hapon matapos nitong itanggi ang kasaysayan sa pananalakay at paghaharing kolonyal sa Korean Peninsula, sinabi ni Hua na ang kasalukuyang hidwaan ng Hapon sa mga karatig na bansa sa teritoryo na gaya ng Timog Korea ay may mahigpit na ugnayan sa pananalakay ng Hapon sa ibang mga bansa noong World War II. Kaya aniya dapat malalim na suriin ng Hapon ang sarili.
Salin: Ernest