Balak ng Tsina na itatakda ang dalawang bagong Pambansang Pestibal para mapalakas ang patriyotismo ng mga mamamayan at ipakita ang determinasyon sa pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa at hangarin sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig.
Sinuri kahapon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), kataas-taasang lehislatibong organo, ang isang panukala para itakda ang ika-3 ng Setyembre bilang Araw ng Paggunita sa Tagumpay ng Anti-Japanese War at ang ika-13 ng Disyembre bilang Araw ng Pagdadambana sa mga biktima ng Nanjing massacre na naganap noong taong 1937.
Salin: Ernest