Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

7.5% paglaki, target ng GDP ng Tsina: badyet-militar, tumaas naman 12.2%

(GMT+08:00) 2014-03-06 11:03:44       CRI

Sa Government Work Report na isinapubliko kahapon sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang target ng paglaki ng GDP ng bansa ay 7.5% para sa taong 2014. Ito ay mas mataas ng 0.2% kumpara sa taong 2013. Kasabay nito, nakatakdang umabot sa mahigit 800 bilyong Yuan (130 bilyong dolyares) ang badyet-militar ng Tsina sa taong ito. Ito ay mas mataas ng 12.2% kumpara sa taong 2013.

Ipinalalagay ni Stephen Green, Punong Ekonomista ng Standard Chartered Bank hinggil sa kabuhayan ng Tsina na sa pagsasaalang-alang sa mga kinakaharap na presyur na gaya ng pagpapalalim ng reporma, masasabing konserbatibo ang target na ito, pero, mananatili pa rin itong malakas na signal hinggil sa pagkatig ng Pamahalaang Sentral ng Tsina sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan.

Ipinalalagay naman ni Nicholas Consonery, Espesiyalista sa Asya ng Eurasia Group na sa pagtatakda ng nasabing target ng paglaki ng GDP, puwedeng maituon ang pansin ng Pamahalaang Tsino sa pagpapalalim ng pambansang reporma, at kasabay nito, hindi ito makakapinsala sa kredibilidad ng bansa sa pagpapanatili ng mataas na paglaki ng GDP. Idinagdag niyang signal din ito ng Pamahalaang Tsino sa mga mataas na opisyal ng mga pamahalaang lokal, na sa halip na bahagdan ng paglaki ng kabuhayan, tatasahin ang bunga ng kanilang trabaho batay sa mga pamantayan na may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran, hanap-buhay at implasyon.

Pagdating sa badyet na pandepensa ng taong ito, ipinalalagay ni Qiao Liang, Propesor ng National Defence University ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na nananatili sa pagitan ng 1% hanggang 2% ang proporsyon ng badyet-militar ng Tsina sa GDP nito. Mas mababa ito kumpara sa pamantayang pandaigdig na 3%. Kaya, masasabing makatwiran ang budyet-militar ng Tsina sa taong ito.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>