Hanggang kagabi, mahigit 90 oras na ang lumipas sapul nang mawalan ng kontak sa flight MH370 ng Malaysia Airlines. Bagama't wala pang anumang breakthrough ang paghahanap ng naturang eroplano, walang humpay na pinapalawak at pinapalakas ang search operation ng mga may-kinalamang bansa.
Ayon sa Malaysia Airlines, hanggang kagabi, napalawak na sa dakong silangan at kanluran ng Malay Peninsula ang saklaw ng paghahanap. 42 panaklolong bapor at 35 eroplano mula sa Tsina, Biyetnam, Singapore, Estados Unidos, Australia, Pilipinas, Thailand, Indonesia, Brunei, at iba pang bansa, ang kasalukuyang nagsasagawa ng search ang rescue operations.
Salin: Li Feng