Ipinahayag kamakalawa ni Asghar Zarean, Pangalawang Puno ng Atomic Energy Organization ng Iran na nitong ilang buwang nakalipas, napigil ng Intelligence Ministry at iba pang ahensiyang panseguridad ng bansa ang ilang tangkang "pagsabotahe" laban sa mga pasilidad na nuklear nito.
Pero, hindi nabanggit ng opisyal Iranyo ang hinggil sa mga detalye ng di-umano'y pagsabotahe.
Bilang tugon, pinasinayaan ng Iran nang araw ring iyon ang isang laboratoryo sa Tehran. Ito ay gagamitin laban sa sabotaheng industriyal at atakeng pang-Internet.
Salin: Jade