Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng International Atomic Energy Agency o IAEA, bumaba hanggang sa mahigit 160 kilo na lamang ang 20% enriched uranium ng Iran. Ito ay nababatay sa kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, na narating sa pagitan ng Iran at may-kinalamang anim na bansa. Ang naturang kasunduan ay nagkabisa noong ika-20 ng Enero, 2014.
Dagdag ng IAEA, katatapos lang sa Vienna ang 3 araw na unang round ng talastasan hinggil sa ganap na paglutas sa isyung nuklear ng Iran, at positibo sila sa balangkas ng susunod na talastasang idaraos sa loob ng darating na 4 na buwan.