Idinaraos ngayong araw at bukas sa Hague, Netherlands ang Ika-3 Nuclear Security Summit. Dito, kauna-unahang beses na ihaharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideya ng bansa hinggil sa kaligtasang nuklear.
Noong 2009, iniharap ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang konsepto ng Nuclear Security Summit. Idinaos noong 2010 sa Washington D.C., Amerika ang Unang Nuclear Security Summit, samantalang idinaos naman noong 2012 sa Seoul, Timog Korea ang Ika-2 Nuclear Security Summit. Ang tema ng nuclear security summit sa taong ito ay "Pagpapalakas ng Kaligtasang Nuklear, Pagpigil ng Terorismong Nuklear." Patuloy na pasusulungin sa summit ang pagtatayo ng pandaigdigang sistema ng kaligtasang nuklear.
Salin: Andrea