Idinaos kahapon ang unang sesyong plenaryo ng Ika-3 Nuclear Security Summit sa Hague, Netherlands. Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Mark Rutte, Punong Ministro ng Netherlands na magsisikap ang mga kalahok na lider para maisakatuparan ang 3 target na kinabibilangan ng pagbabawas ng nuclear material sa buong daigdig, pagpapasulong ng positibong kultura ng seguridad ng nuklear, at pagpapalakas ng sistema ng seguridad ng nuklear.
Ani Rutte, hanggang sa kasalukuyan, mayroon din halos 2000 toneladang nuclear material sa buong mundo, kaya, kailangang panatilihin pa rin ng mga tauhan sa iba't ibang sirkulo ang pag-iingat hinggil dito.
Sa summit, hinimok naman ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN ang mga lider na maging maagap na tagapagpaganap para maigarantiya ang seguridad ng nuklear. Sinabi rin niyang ang pagdaos ng summit ay mahalagang mahalaga para sa pagpapalalim ng kooperasyong pandaigdig.
salin:wle