Dumalaw kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Dusseldorf, Punong Lunsod ng North Rhine-Westphalia, Alemanya.
Sa kanyang pananatili doon, magkahiwalay na nakipagtagpo si Xi kina Hannelore Kraft, Gobernador ng North Rhine-Westphalia, at Sigmar Gabriel, Pangalawang Chancellor at Ministro ng Enerhiya ng Alemanya para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig sa pamumuhunan, enerhiya, kalakalan at edukasyon.
Nag-usap sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (sa kanan ng litrado) at Sigmar Gabriel, Pangalawang Chancellor at Ministro ng Enerhiya ng Alemanya
Bukod dito, dumalo rin si Xi sa resepsyon ng mga mangangalakal ng Tsina at Alemanya para ihatid ang mga pagkakataon ng dalawang panig sa komersyo na dulot ng pagpapalalim ng reporma ng Tsina.
Salin: Ernest