Ipinalabas kagabi ng Australya ang pangunahing lugar kung saan magkasamang hahanapin ng Australya at Tsina ngayong araw ang Flight MH370 ng Malaysian Airlines. Ito ay may saklaw na 260 libong kilometro-kuwadrado, sa rehiyong pandagat, kanluran ng Australya. Walang (8) bapor ng Tsina at Australya ang inihanda para rito.
Samantala, ipinahayag ngayong araw ni Tony Abbott, Punong Ministro ng Australya, na hindi nila lilimitahan ang araw ng paghahanap sa MH370.
Sinabi naman ni Warren Truss, Pangalawang Punong Ministro ng Australya, na sa kasalukuyan, ang pangunahing gawain ay paghahanap ng black box, sa lalong madaling panahon. Pagkahanap nito, puwede nang isagawa ang susunod na pag-aanalisa at pagsusuri.
Salin: Andrea