Sinabi ngayong araw ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na despotiko at masama ang ginagawang pagmomonitor ng Amerika sa mga impormasyon sa Internet.
Sinabi ni Geng na nitong ilang araw na nakalipas, may mga lumabas na ulat hinggil sa pagmomonitor at ilegal na pagkuha ng Amerika ng impormasyon sa mga departamento ng pamahalaang Tsino, bahay-kalakal at indibiduwal na Tsino sa pamamagitan ng Internet. Masama at despotiko aniya ang naturang mga aksyon.
Ipinahayag din niya na magsasagawa ang panig Tsino ng mga hakbangin para ibayo pang mapahigpit ang seguridad ng impormasyon sa Internet.
Kaugnay ng pagpuna ng panig Amerikano sa pang-aatake ng mga hacker na umano'y inorganisa ng pamahalaang Tsino, sinabi ni Geng na pinatutunayan ng katotohanan na mapanlinlang ang mga ito.
Salin: Ernest