Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay Chuck Hagel, dumadalaw na Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Amerika, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa pagtatatag ng dalawang bansa ng bagong porma ng relasyong militar.
Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na ang nasabing relasyon ay mahalagang bahagi ng bagong porma ng relasyong Sino-Amerikano bilang dalawang malaking bansa na napagkasunduan nila ni Pangulong Barack Obama sa kanilang pagtatagpo sa Annenberg noong Hunyo, 2013. Aniya pa, sa ilalim ng kasalukuyang masalimuot na situwasyong pandaigdig, palawak nang palawak ang pagtutulungan ng Tsina at Amerika. Inulit niya ang pangangailangan ng dalawang bansa para sa pananangan sa pagpapawala ng alitan at pagpapawala ng komprontasyon, paggagalangan at win-win cooperation. Nanawagan din si Xi sa dalawang bansa na pasulungin ang pagtutulungang praktikal sa iba't ibang larangan, mabisang pangasiwaan ang pagkakaiba at mga sensitibong isyu para sumulong sa tumpak na direksyon ang ugnayang Sino-Amerikano.
Ipinahayag naman ni Hagel na ang layunin ng kanyang pagbisita ay pasulungin ang bagong porma ng relasyong militar ng Tsina at Amerika. Nakahanda aniya ang Amerika na pahigpitin ang pakikipagdiyalogong militar sa Tsina batay sa pagtitiwalaan.
Ipinarating din niya ang pangungumusta kay Xi ni Obama.
Salin: Jade