|
||||||||
|
||
Bumigkas kahapon ng keynote speech si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa taunang pulong ng 2014 Boao Forum for Asia (BFA).
Sa kanyang talumpating pinamagatang "Magkakasamang Makalikha ng Kinabukasan para sa Kaunlaran ng Asya," sinabi ni Premyer Li na nasa ilalim ng malalimang pagbabago ang buong mundo at mabagal ang pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig. Aniya pa, bilang isa sa mga rehiyong masigla sa daigdig, bilang umuunlad na bansa, karamihan sa mga bansang Asyano ay nahaharap sa mahirap na tungkulin ng pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Nanawagan si Premyer Wen sa mga bansa ng Asya na isakatuparan ang magkakasamang pag-unlad sa pmamagitan ng pagkokompliment ng isa't isa. Nanawagan din siya sa pag-uugnayan ng mga bansang Asyano sa pamamagitan ng imprastruktura. Hiniling din niya sa mga miyembrong Asyano na magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan ng rehiyon.
Inulit ni Li ang pananangan ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Ipinagdiinan niyang hind magbabago ang paninindigan ng Tsina na lutasin ang alitan sa paraang mapayapa. Buong-tinding sinusuportahan ng Tsina ang anumang aksyon para mapasulong ang pagtutulungang pandagat samantalang seryosohang tutugunan din ang anumang probokasyon na makakapinsala sa katatagan ng South China Sea.
Lubos na pinahahalagahan aniya ng Tsina ang kapayapaan. Nakahanda aniya itong protektahan, kasama ang mga kapitbansa, ang katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Idinaraos ang 2014 BFA mula ika-8 hanggang ika-11 ng Abril.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |