|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, nananatiling magulo ang situwasyon sa gawing silangan ng Ukraine na gaya ng Donetsk, Kharkiv at Luhans Ka, dahil sa pagrarali ng mga mamamayang pro-Rusya.
Ipinahayag kahapon ng pansamantalang pamahalaan ng Ukraine ang pagpapadala ng hukbo sa naturang mga lugar, para pigilin ang katulad na pangyayari sa Crimea.
Nang araw ring iyon, hinimok ng North Atlantic Treaty Organization(NATO) ang Rusya na isagawa ang hakbang para mapahupa ang naturang kalagayan, at iurong ang mga tropa mula sa Ukraine.
Ipinahayag kahapon ng Amerika na kung hindi mapapahupa ang kalagayan sa Ukraine, magpapataw ito ng mas mabigat ng sangsyon laban sa Rusya.
Ipinahayag naman ng Rusya na isasauli nito ang isyu ng Ukraine sa UN Security Council(UNSC) at Organisasyon para sa Seguridad at Pagtutulungan ng Europa(OSCE) para talakayin.
Ipinahayag din ng UNSC na idaraos ang di-pormal na talakayan bilang tugon sa krisis ng Ukraine.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |