Sinabi kahapon ni ni Vladimir Putin ng Rusya na ang relasyong Sino-Ruso ay naiangat na sa walang-katulad na mataas na lebel.
Winika ito ni Putin sa press conference pagkaraan ng kanyang live chat sa mga mamamayang Ruso.
Ipinagdiinan ni Putin na may magkaparehong paninindigan ang Tsina at Rusya sa kalagayang pandaigdig at mga pandaigdig na isyung panseguridad. Aniya pa, ang relasyong Sino-Ruso ay mahalagang elemento sa pandaigdig na pulitika.
Tinukoy rin ni Putin na magkapitbansa ang Tsina't Rusya at magkaalyado rin. Handa aniya ang Rusya na mapalawak ang pakikipagtulungan sa Tsina, pero, hindi magtatatag ang Tsina at Rusya ng alyansang pulitikal at militar na tulad ng NATO (North Atlantic Treaty Organization).
Salin: Jade